Text from her nung May 1, 2013. :) Pinag uusapan namin nito kung anong mga mangyayari pag college na siya, kasi lilipat na siya ng school nun.. Nakakatuwa lang kasi, malalaman mo na marami siyang plano para sa inyo, na iniisip niya na yung mga mangyayari sa mga oras na yun. Na kahit magkakalayo kami, ako pa rin. Ako lang. Sobra lang nakakatuwa, nakakatunaw. :”> Lol. Sana puro happiness na lang talaga.. :(
Kagabi nag away nanaman kasi. Nakatulog lang ako tapos di ako nakapagreply ng siguro 40 mins. kung ano ano ng tinext niya sakin. Na kaya ko daw siyang tinisiin, na masaya naman daw ako dun. Tangina lang. Sobrang nagsorry na ko kagabi, text ako ng text. Muka na kong tanga kakaintay sa reply niya, hanggang sa nagflashback nanaman yung mga nangyari dati, iniisip ko baka kinabukasan, hiwalayan niya na ko. Ayaw niya na sakin. May bago na siya. Di na niya ko mahal. Halos mabaliw baliw ako kakaisip kagabi. Iyak nanaman. Nagsisimula pa lang kame ULIT nangyayari nanaman mga ganito.. Eto ayokong ayoko sa lahat e. Ayoko na din naman sabihin sa mga kaibigan ko yung ganto, dati kasi kada mag aaway kami tumatakbo agad ako sa mga kaibigan ko pero ngayon hindi na. Sinasarili ko na lang. Ayoko na kasing ijudge nanaman siya, na magalit nanaman sila sa kanya. Kung ano ano nanamang sasabihin masasakit tungkol sa kanya. Ayoko nun.. Sobrang nasasaktan nanaman ako, pero alam ko para sa kanya wala lang to. :(( Hayy. Ang hirap.
Kapag nasaktan na siya. Kapag nagawa na niya ang lahat para sayo at nabalewala mo ang lahat ng yun at nagising siya sa lahat ng sakit at sakripisyo niya. Wag mo siyang hanapin. Wag mo siyang habulin. Sa panahon na marealize mo na kailangan mo siya, siguraduhin mo. Siguraduhin mo na aayusin mo na ang lahat. Siguraduhin mo na aalagaan mo na siya. Pero tanggapin mo na magbabago siya. Na, hindi na siya tulad ng dati. Na, hindi na siya yung dating patay na patay at habol ng habol sayo. Pero siya na yung nasaktan mo at ingat na ingat na pagkatiwalaan ka ulit.
Sa totoo lang, takot ako na mawala ka sa buhay ko. Oo, tinatago ko yun sayo pero takot talaga akong mawala ka sa buhay ko. Ang dami dami na nating pinagdaanan. Ang dami dami na nating memories together. Hindi ko kayang isantabi lahat ng yun at kalimutan ang lahat. Kung mawawala ka bigla sa buhay ko, di ko na alam ang gagawin ko. Baka mabaliw ako o ano pa. Kasi alam ko sobrang halaga mo sakin. Ayoko talaga mawala ka sa buhay ko. Ayoko.
Simple lang… Yung itetext ka lang lagi, itatanong kung kumaen ka na ba, asan ka, anong ginagawa mo. Kasi gusto ko lang malaman kung maayos ka. Gusto ko yung feel na feel ko na inaalagan kita, tipong binababy ka. Ako yung girlfriend na parang barkada mo lang, mumurahin ka, aasarin ka. Yung girlfriend na, walang pride. Kahit kasalanan ko man o hindi, nagsosorry ako. Ayoko lang kasing lumaki pa yung away/tampuhan. Pag badtrip ka, gagawin ko lahat, mawala lang init ng ulo mo. Lahat ng sweetwords na alam ko sasabihin ko para mapangiti ka lang. Tulad ng iba, madali akong magselos. Hindi sa taong malapit sayo, kundi sa taong minahal mo bago ako. Ako yung girlfriend na, ipaparamdam kung gaano ka kaspecial sakin… Kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kasaya sayo. Yung girlfriend na, hindi laging nagsasabi ng “I love you”, kasi gusto ko once na sinabe ko sayo yun, kikiligin ka talaga. Nagagalit ng walang dahilan. Paiba-iba din ng mood, gusto ko kasi yung nilalambing ako. Hindi man ako yung perpektong girlfriend na hinihiling mo, pero gagawin ko lahat mapasaya ka lang hanggang kaya ko. :) Meeehe.
- Pag nag walk out siya, habulin mo.
- Pag tinitignan niya lips mo, halikan mo.
- Pag tinulak ka niya, yakapin mo at wag kang bibitaw.
- Pag sinumpa ka niya, halikan mo at sabihin mong mahal na mahal mo siya.
- Pag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya.
- Pag nakikita mo siyang pagod na pagod, sabihin mo sakaniya na maganda siya.
- Pag umiiyak siya, wag kang magsasalita at yakapin mo lang siya ng mahigpit.
- Pag nakikita mo siyang naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo siya sa likod.
- Pag natatakot siya, protektahan mo.
- Pag sinandal niya ulo niya sa balikat mo, taas mo ulo niya at ikiss mo sa ilong.
- Pag inaasar ka niya, asarin mo rin siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon.
- Pag di niya sinasagot ng matagal, siguraduhin mong ayos lang siya.
- Pag tinignan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sakaniya ang totoo at wag na wag kang magsisinungaling.
- Pag sinabi niyang mahal ka niya, nagsasabi siya nang totoo at galing sa puso niya.
- Pag kinuha niya kamay mo, hawakan mo rin kamay niya.
- Pag nagsabi siya sayo ng sikreto, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya na wag mong sasabihin kahit kanino.
- Pag tinignan ka niya sa mata, wag kang lilingon hangga’t di siya lumilingon.
- Pag namimiss ka niya ng sobra, nasasaktan siya at iparamdam mo sakaniya na kahit di kayo magkasama siya parin ang laman ng isip at puso mo.
- Pag nasaktan mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya.
- Pag sinabi niyang ayaw na niya, gusto ka parin niyang maging sakaniya.
- Tawagan mo siya bago ka matulog at pag gising mo.
- Wag kang matutulog hangga’t di siya nakakatulog lalo na pag may sakit siya.
- Panuorin niyo ang paborito niyang movie kahit na ayaw mo.
- Hayaan mong suotin niya ang damit mo.
- Patunayan mong importante siya sayo.
- Halikan mo siya sa ulan.
- At higit sa lahat, wag na wag kang magsasawa sakaniya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang parang prinsepe niya. ♥
